Basil Valdez

Hanap-hanap Ka

Nakilala kita sa 'di ko inaasahang pagkakakataon

Nakakabigla para bang sinadya at tinakda ng panahon

Tila agad akong nahulog nang hindi napapansin

Pero tadhana ko'y mukhang 'di tayo pagtatagpuin

Pinili kong lumayo
Ngunit pilitin ma'y bumabalik sa'yo

Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap parap-pap
Na kahit magpanggap 'di matatago na ang 'yong
yakap
Ang hanap-hanap parap-pap-pap

'Di nagbabago ikaw ang hanap-hanap ko

Inakala ko ring ganon kadaling alisin ka sa buhay
kong ito

Sinubok umibig ng iba
Pero 'di rin nawala ang pag-ibig ko sa 'yo

Sa tuwing kapiling siya'y ikaw ang nasa isip
(nasa isip)

At kahit maging panaginip ma'y ika'y nakapaligid

Pinili kong lumayo
Ngunit pilitin ma'y bumabalik sa'yo

Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap parap-pap
Na kahit magpanggap 'di matatago na ang 'yong
yakap
Ang hanap-hanap parap-pap-pap
'Di nagbabago ikaw ang hanap-hanap

Parap-pa-para sa pusong nangangarap
Umaasang magsasamang muli

Para sa 'yo at para sa 'kin na tangi lang dalangin

Ay happy ending bandang huli

Yeah hey yeah

Oh kahit magpanggap 'di matatago na ang 'yong
yakap

Ang hanap-hanap parap-pap-pap
'Di nagbabago ikaw ang hanap-hanap
Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap parap-pap
Na kahit magpanggap 'di matatago na ang 'yong
yakap
Ang hanap-hanap parap-pap-pap
'Di nagbabago ikaw ang hanap hanap
'Di maglalaho
Ika'y aking pangarap
'Di nagbabago ikaw ang hanap-hanap ko