Bukas Palad

Sanlibong Buhay

Sanlibo man aking buhay,
bawat isa'y iaalay
sa Diyos at bayan kong mahal,
'sasanggalang inyong dangal.
Isugo Mo kahit saan,
hamakin man ako't saktan.
Dalangin ko'y maging tapat.
Pag-ibig Mo ay sasapat.

Sanlibo man aking buhay,
sanlibo ring iaalay.
Sanlibo kong kamatayan,
sa palad Mo ilalaan.
Stream naživo