Bukas Palad

Talang Gabay

Kumislap sa pastulang
kinupkop ng gabi,
ang hatid ay balita
ng pagbubunyi:
'Sinilang sa may sabsaban,
Pastol ng Sangkatauhan.

Kuminang sa hiraya
ng ibang lupain:
"Maglakbay at magtungo
sa landas ng bituin!"
Hahanapin ng Haring Mago
ang Hari ng mundo.

Ang liwanag ng Talang Gabay
na suminag sa mundong nahimlay,
ginising ang diwa.
O, magsaya! Ang Diyos, sumaatin na!

Tanglawa't patnubayan,
o butihing bituin,
daigdig na alila
ng lungkot at dilim;
ituro kay Hesukristo,
Pag-asa ng mundo! ()

BRIDGE
Sumaatin na ang Tagapagpalaya. Magsaya! ()

CODA
O, magsaya ang Diyos sumaatin na
Sumaatin! Magsaya!
Stream naživo