Bukas Palad

Kailan Pa man

Kailanpaman 'di mawawalay
Pag-ibig Ko sa inyong tapat at tunay.
Kailanpama'y h'wag mabahala
'Pagkat kapiling Ako t'wina.

'Di na mag-iisa,
Mangangamba, mangungulila.
Kayo'y Aking hinango,
Muling sinuyo sa 'King puso.

Kahit anong dilim,
Anong lagim ng tatahakin,
Kayo'y aalagaan,
Gagabayan kailan pa man.

Bansang Aking sinugo,
H'wag masiphayo at h'wag susuko.
Kayo'y pangungunahan,
'Pagsasanggalan kailan pa man.