Bukas Palad

Pagbabalik

Awit ng Pagsuyo

Bawat naming sambitin
Bawat naming awitin
Ay papuri't parangal sa 'yo
Pakinggan mo, Inang mahal
Ang awit ng pagsuyo

O mahal naming Ina
Aming galak at saya
Kandungin, aliwin
Kami sa oras ng pighati (KORO)

Kalangita'y nagdiriwang
Sa karangalang nakamtan
Puso mo'ng kay wagas
Kandungan ng Tagapagligtas (KORO)

Bawat naming sambitin
Bawat naming awitin
Ay awit ng pagsuyo