Carol Banawa

Kailan Nga Ba

Isang araw sa aking paglalakad

Nakasalubong ka at nakausap
At iyong 'tinanong
Noon ding araw na iyon
Pangalan ko at tirahan namin
Kung sa'n naroon

Hindi ako nakakibo sa iyo

At 'di ko rin alam ang isasagot ko
Dibdib ko ay kumakaba
Ngunit may halong saya
Ano nga kaya itong aking nadarama

Kailan kita muling makikita

Sa bahay namin ba ikaw ay pupunta
Ngunit hindi ko na nabanggit kung saan ba
Kailan nga ba magbabalik ka
Kailan nga ba
Oooooh... oh

Hindi ako nakakibo sa iyo

At 'di ko rin alam ang isasagot ko
Dibdib ko ay kumakaba
Ngunit may halong saya
Ano nga kaya itong aking nadarama

Kailan kita muling makikita

Sa bahay namin ba ikaw ay pupunta
Ngunit hindi ko na nabanggit kung saan ba
Kailan nga ba magbabalik ka
Woh-oh...
Kailan kita muling makikita

Sa bahay namin ba ikaw ay pupunta
Ngunit hindi ko na nabanggit kung saan ba
Kailan nga ba magbabalik ka
Kailan nga ba

Kailan nga ba